Lunes, Setyembre 28, 2015

Home

       Ang musika ay isa sa mga mabisang paraan upang ating maipahayag ang iba’t-ibang wika ng bawat bansa o kultura. Tayong mga Pilipino’y nakabubuo ng mga orihinal na kantang pinoy (OPM). Ngunit, dahil sa tinatawag na “colonial mentality,” ating mas nabibigyan ng pansin ang mga kantang banyaga. Hindi tuloy natin napapahalagahan ang ating sariling wika. Dahil dito, naisip ng aming grupo na pagtuunan ng pansin ang isyung ito.

 



Sa makabagong henerasyon ngayon ng kabataan, ating nakikita ang kanilang lubos na pagidolo sa mga banyagang musikero. Dahil dito, hindi na tinatangkilik ang mga kantang sariling atin. Kaya, ang magiging resulta nito ay ang unti-unting pagkalimot sa kahalagahan ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang konseptong papel na ito ay naglalaman ng mga impormasyon na nagpapatunay na ang patuloy na pagyabong ng ating wika, ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng Musikang Pinoy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento