Rasyunal

                Ang “colonial mentality” ay ang patuloy na pagtangkilik sa kultura, musika, at iba pa, ng ibang mga bansa. Madalas, ang mga Pilipino ay may ganitong ugali. Maging sa pananamit, paggamit ng produkto, at kung anu-ano pa. Sikat na sikat sa panahong ito ang mga kantang nanggagaling sa ibang bansa, tulad ng “pop,” “rock,” etc. Atin ring nasasaksihan ang pagkahilig ng kabataan sa K-Pop, o di kaya’y Korean Pop. Dahil dito, hindi na masyadong nabibigyan ng pansin ang mga kantang ginawa ng mga Pilipinong manunulat. Hindi na natin nagagamit ang ating sariling musika at sining upang mas mapalago ang ating wika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento