Mga Riserts

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming mga mahuhusay at matatalinong musikero ang Pilipinas. Ang ilan sa mga ito ay naipakilala na ang kanilang sarili di lang sa sariling bansa, ngunit pati sa buong mundo. Sa kabila ng mga impluwensya ng makabagong musika ngayon, nagagawa pa rin nilang maggawa ng mga awiting sariling atin o yung tinatawag nating “OPM”. Subalit sa paglipas ng panahon, nagkaroon na ng pag-iiba sa kahulugan ng “OPM”.  Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na tingnan kung sino ang nagsulat at para kanino ang isinulat na awitin. Naipapakita nito ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa paglikha ng mga kanta. Hindi dapat ilayo ang sarili sa musikang Pilipino dahil musika natin ito. Ngunit, mayroong mga sagabal sa pagyabong ng ating musika, at isa na rito ay ang mga kantang banyaga. (Osorio, 2014)

Sa sobrang dami ng tagapakinig ng mga kantang galing sa ibang bansa, ang mga artistang ito ay dumadayo sa Pilipinas upang magtanghal. Dito tuloy pumapasok ang sakit sa lipunan na “colonial mentality.” Hindi na tuloy nabibigyan ng pansin ang musikang sariling atin. Mas binibigyan natin ng halaga ang musika ng ibang bansa, kaya, ang kanilang wika ay atin ring natutunan. Sa halip na ating mapaunlad ang Wikang Filipino, ay ating mas binibigyan ng importansya ang wikang banyaga. Hindi tuloy natin maipahayag ng maayos ang ating mga saloobin o ideya gamit ang wika sa pamamagitan ng musika. Masyado tayong nabubulag sa kasikatan ng mga artistang ito. (Marocharim, 2010)


Likas sa tao ang maging madaling maimpluwensyahan. Gusto natin laging makisabay sa uso. Kaya’t bilang mga Pilipino, atin dapat ipagpatuloy ang pagsuporta sa “OPM”. Ito’y sa kadahilanang mas maipapahayag natin ang ating wika kung ang mga kantang ating napapakinggan ay nasa Wikang Filipino. Ating nahahasa ang ating kaalaman sa aspetong ito. Tayo din ay nagkakaroon ng mas maraming impormasyon kung paano natin magagamit ang wika at musika para sa ikabubuti ng lahat. (Osorio, 2014)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento